1. 3
    16
    Apr

    Bakit hindi lahat ng taong mahal natin dapat ipaglaban?

    Matagal tagal na din akong hindi nakakapag update sa tumblr ko, tungkol sa buhay ko. Masyado kasing nabaling ang atensyon ko sa taong pinagkatiwalaan ko.

    Halos siyam na buwan din namin kinilala ang isa’t isa, araw-araw magkatext, minsan may mga sweet moment, may cat fights, tampuhan, lambingan, sari-sari ang emosyon na pinapakita namin sa isa’t isa araw araw. Masarap sa pakiramdam na may nagpapahalaga sayong tao. Yung pag gising mo pa lang, text niya na yung mababasa mo, minsan nga kahit wala nang mapag usapan basta alam mong anjan lang siya masaya na sa pakiramdam. Priceless kumbaga. Ganun siguro talaga kapag minahal mo na ang isang tao, bawat minuto nilalasap mo, bawat ngiti niya pipicturan mo sa isip mo. Parang nagkaroon ako ng lalaking bestfriend sakanya, magaan kasi siya kausap, walang pressure. Minsan nga lang napipikon siya sakin, may pagka taklesa din kasi ako.

    Kaklase ko siya sa unang review center na pinasukan ko, binulungan ko agad yung katabi ko na may crush na ako. Hanggang sa nalaman ko yung pangalan niya na sinulat ko pa sa bandang itaas ng notebook ko. Para akong elementary student na kinikilig. 

    Siya yung tipo ng lalaki na hindi madaling magsawa, siya yung tipo ng lalaki na muka namang maalaga. Laking pasasalamat ko sakanya nung hindi ako nakapasa sa unang take ko ng board exam, hindi niya ko iniwan, hindi niya pinaramdam sakin na ibaba ko ang sarili ko dahil sa hindi ako nakapasa, kaya nung kumuha ulit ako ng exam siya na yung ginawa kong inspirasyon (bukod sa mga magulang ko). Nung lumabas na yung result ramdam ko naman na masaya siya para sakin dahil nakapasa ako. Hanggang sa pareho na kaming nagkaroon ng trabaho.

    Minsan talaga kasi ang mga tao, hindi nakukuntento kapag walang pinanghahawakan, madalas kasi gusto natin ng assurance, yung alam natin na satin lang, walang pwedeng gumalaw, walang pwedeng umagaw. Siguro naman sapat na ang siyam na buwan para magdemand ako sakanya na maging kami na. Feeling ko kasi sapat na yung buwan na yun para masabing akin na siya. Kaso may mga bagay pala talaga na hindi dahil gusto mo, makukuha mo. Kahit binigay mo na lahat, hindi pa rin yun sapat. Sa madaling salita, ako lang ang may gustong maging kami, kahit sa panaginip niya hindi sumagi sa utak niya na magiging kami. Mahirap pala talaga isiksik ang sarili, lalo na sa taong ayaw sayo. Oo nga madalas kami magusap, puro kwentuhan. Pero kahit minsan hindi namin napag usapan kung ano nga ba ang estado namin sa isa’t isa. Mag-kaiba talaga ang depinisyon ng nagsasalita sa may sinasabi, ng naririnig sa nakikinig at ng mahalaga sa mahal ka talaga.

    Para sakin, ginawa ko na ang lahat. Nakakapagod na kasing ipagpilitan ang sarili sa espasyong hindi naman talaga para sayo. Masakit? OO! Pero wala naman akong ibang choice kundi masaktan lang, kesa ipagpatuloy ang ganitong sitwasyon na araw araw kong tinatanong sa sarili kung tama pa ba to.

    Nagpapasalamat na lang ako dahil tapos na din ang istoryang pilit kong ginagawan ng Happy Ending. Mahirap pala magmahal ng taong hindi maipakita sayo kung ano nga ba ang pagmamahal. 

    Sa ngayon, Alam ko na ang sagot sa tanong na…

    BAKIT NGA BA HINDI LAHAT NG TAONG MAHAL NATIN DAPAT IPAGLABAN?

    SAGOT: Mahirap lumaban, lalo na kung mag-isa ka lang. Pag nasaktan ka, mag-isa ka lang din. Walang nananalo sa ganitong klaseng laban. Pwedeng kang umuwi ng duguan, at ang masaklap ay ang mamatay dahil sa lintek na ipinaglalaban. 

  2. 14
    Apr

    "Paulit-ulit na sitwasyon, hindi pa rin matuto."

  3. 1
    24
    Aug

    AUGUST 23, 2012

    Ito yung araw na hindi ko alam kung magsasaya ba ako, or magluluksa. “MAY RESULT NA DAW NG NLE” yan ang una kong nabasa sa newsfeed ko while waiting for the result. Grabeng kaba, hindi ko alam kung mag da-diarrhea ba ako or magco-constipate. It’s not that easy to take the board exam and wait for the result for about 1 month. It was like prolonging the agony. Wala akong ibang ginawa kung hindi magdasal gabi gabi na sana sa oras na ilabas ang result, ipagsisigawan ko sa buong mundo na RN na ako. Gustong gusto ko nang lagyan ng RN sa dulo yung pangalan ko. 4 years of studying, hardwork, patience, sorrow, happines, sacrifices, and faith. Pero 2 letters lang ang hinihintay ko for me to be whole, to prove to myself na I can be someone na may achievement sa buhay, na hindi puro party lang ang alam.

    They all look so damn happy to me. Why couldn’t I look like that? Right now, ang nararamdaman ko lang is pain, pain, pain. Im such a failure. I didn’t made it to pass the board exam. But with the help of those people around me, I can feel better and better. Sabi nga nila: Everything is not about pain. Masaktan man ako ng paulit ulit, hindi titigil ang mundo para paburan ang mga gusto kong mangyari. Lahat ito may dahilan, at hindi na ako makapag hintay na dumating yung tamang panahon para malaman kung ano nga bang dahilan at bakit hindi nasama sa listahan ang pangalan ko. This may be the darkest moment for me, and im willing to turn on the lights for me to fight again and never ever give up. This is my dream, I’m not there yet but soon I’ll be there. Dala dala lahat ng mga lesson na nagyayari sa buhay ko. Iiwan ko lahat ng sakit na naramdaman ko, at sisiguraduhin ko na hinding hindi ko na mararamdaman ulit kung anong sakit ang naramdaman ko. Nakakasira ng ulo, nakakapagod umiyak. Pero naisip ko, sa libo libong taong bumagsak kagaya ko, yung iba sakanila siguro nagpakamatay na, yung iba nabaliw na, yung iba hanggang ngayon lumalaban pa, kagaya ko. Lalaban ako hanggat hindi ko nakukuha kung ano ang para sakin. Walang makakapagsabi sakin na hindi ko kaya! F*ck you! Babangon ako at dudurugin ko lahat ng nagsabi na I can’t make it. But before ako bumangon, I’ll kneel down first and ask for forgiveness sa lahat ng ginawa kong kasalanan, sa lahat ng galit na naramdaman ko sakanya nung nalaman ko na hindi ako pumasa, sa lahat ng hindi ko pagsunod sakanya, and magpapasalamat ako sa walang sawang pagmamahal niya na hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa. Oh God! Thank You. Kung may hihigit pa sa thank you yun ang nararapat para sayo. Magkaroon lang ako ng mga magulang na tanggap ako, mga kaibigan na sumusuporta sakin, at special someone na sinabing hindi ako iiwan. Enough na yun, that’s PRICELESS! Inner success ko na yun. Lord Thank You.

    Hindi man ngayon ang tamang panahon para masabing RN na ako, pero dadating din yun at sisiguraduhin ko na mag stand out ako. Babangon ako, dala dala lahat ng leksyon na natutunan ko at tatayo ako kung saan ako nadapa.

    We win, we pray. We lose, we pray.

    Edpearl Ezra Peersia R. Eugenio RN-in-the-making :)

  4. 1
    24
    Aug

    chuckynicole:

    After four years of hard work, happiness and sorrow, troubles, laziness and everything that you could encounter in college, it is really worth to wait! I’ve got my license now as a registered nurse in the Philippines. This is because of every persons that helped me through and been part of my…

  5. 1
    6
    Aug

    MAGULO!

    Ano nga ba sa english ang espasyo? Space diba? Kapag may space, pwedeng ibig sabihin blangko. Pwede din namang walang nakasulat o nakalagay. Kung walang nakalagay dun ibig sabihin empty. Sakto. Empty.

    Ganyang ganyan yung nararamdaman ko ngayon. Empty. Ang emo ko lang diba? Pero kahit anong tanggi mo, hindi ako maniniwala sa’yong kahit minsan sa buhay mo hindi mo naramdaman yung ganitong feeling. Yung para kang kahon na walang laman. Kapag walang laman ang kahon, ano ba madalas ang ginagawa? Tinatapon. Kung hindi ka lalagyan ng mga lumang libro at figurines, magiging basurahan ka na lang o kung hindi naman, pipira-pirasuhin para magkasya sa trash bag na itim.

    Bakit ko ba ‘to nararamdaman ngayon? Ah, alam ko na. Naiinggit ako. Kasi buti pa sila. Ayokong magdrama. Hindi ako sanay. Hindi naman kasi talaga ako ganito. Na-overwhelm lang siguro ako ng feeling this past few days. Hindi naman sa hindi pa ako nakaka-get over. Namimiss ko lang siguro yung feeling.

    Alam mo yung feeling na may nilu-look forward ka sa paggising mo kinabukasan? Yung excited kang magtext kasi alam mong magrereply agad siya. Yung hindi mo na prinproblema yung magmukang tangang kumakain mag-isa kasi nandiyan siya para sabayan ka. Yung hindi ka giniginaw kapag katabi mo siya kasi nakayakap siya sa’yo. Yung kahit sobrang magulo na yung buhay mo, may isang taong alam mong sigurado kang mahal ka. ATA? 

    Basta siya. Yung ganyan. Ewan.

  6. 6
    Aug

    Para sa maga nagbabalak lumagay sa magulo.

    ang love ay hindi minamadali…
    hindi pinipilit..
    at lalong hindi kina-career…aray ko


    unang-una…
    PAANO MO BA NASABING MAHAL MO NA SIYA???…

    dahil ba natutuwa ka sa kanya???…
    o kaya naman naaaliw ka???…
    naswee-sweetan ka ba ng sobra sa kanya???…
    kinikilig ka ba pag nakikita mo siya???…
    at nahi-high kapag naririnig mo na ang boses niya???…

    eh teka muna…
    baka naman infatuated ka lang….
    o kaya naman kagaya nga ng sagot mo…
    BAKA naaaliw ka lang…
    dahil kakaiba siya…
    may spark na hindi mo maintindihan…

    tsk!!!…
    ang saklap nyan!…



    pangalawa…
    GAANO MO NA BA SIYA KAKILALA???…

    madali ba siyang mapikon???…
    pano ba siya mabadtrip???…
    madali bang mahalata na may topak siya???…
    ano bang suot niya pag nasa bahay siya???…
    shorts ba o pantalon???…
    nakasando ba siya o naka-t-shirt lang???…
    matagal ba siyang maligo???….
    kumakain ba siya ng vegetables???…
    tamad ba siya???…
    mas gusto ba niyang manood ng tv kaysa
    magbasa ng libro???…
    nagpe-play station ba siya???…
    tatlo ba ang pamangkin niyang lalaki???…
    makukulit ba yung mga kamag-anak niya???…
    saan ba siya nakatira???…
    sa condominium ba???…
    may sakayan ba ng jeep na malapit sa kanila???…
    nagsisimba ba siya linggo-linggo???…
    kasama ba yung pamilya niya???…
    at nagdadasal ba siya bago matulog???…

    in short…
    alam mo na nga ba???…
    ang mga bagay-bagay…
    ang mga simpleng bagay tungkol sa kanya…
    na nagdedetermine ng sarili niya…
    as in kung sino ba talaga SIYA…



    pangatlo…
    KAYA MO BA SIYANG TANGGAPIN???…

    as in TANGGAPIN ng buong-buo…

    sa lahat ng trip niya sa buhay…
    sa lahat ng katopakan niya…
    sa lahat ng pag-iinarte at pag-dadrama niya…
    sa lahat ng kasalanang nagawa, ginawa, at gagawin pa lang niya…
    sa lahat ng naiisip niya…
    sa lahat ng sasabihin niya…
    sa kilos niya…
    sa pananami pa pala niya…
    sa pagsasalita…
    sa pananaw niya sa buhay…
    sa pagtrato niya sa tao…
    sa lifestyle niya…
    sa uri ng pamilyang meron siya…
    sa uri ng kaibigang kasa-kasama niya…
    sa style niya pagdating sa love…
    sa kasweetan niyang natural…
    sa paglalambing niya…
    sa tawa niyang pagkalakas-lakas…
    sa manners niya…
    sa bisyo niya kung meron man…
    sa mga pang-aasar niya sayo…
    sa style niya pagdating sa pagsolve ng
    problema…
    sa problemang maaari ka ring masama…



    pang-apat…
    KAYA MO BANG MAGING TOTOO???…

    kaya mo bang makita yung sarili mo…
    na kasama pa rin siya ha…
    sa isang sitwasyong pag naisip mo eh…
    mapapaiyak ka na lang sa sakit…
    nang dahil din sa kanya???…

    kaya mo bang magmukhang tanga…
    as in umiyak ng dahil sa kababawan…
    ibuhos ang mga nararamdaman mo…
    kahit na puro kababawan nga lang naman…
    as in kahit sa harapan niya???…

    kaya mo bang maging barubal pag kasama mo siya???…
    yung tipo bang wala ka ng pakielam…
    mawala man ang manners mo…
    na wala ka naman talaga…

    in short…

    KAYA MO BANG MAGING IKAW KAPAG KASAMA MO NA SIYA???…

    yung tipong hindi ka nahihiyang ipakita kung sino ka talaga…

    dahil alam mong…



    HINDI MO LANG SIYA TANGGAP…

    TANGGAP KA RIN NIYA…

    BUONG-BUO RIN…



    MGA TAO!!!…
    tama na kasi ang trip…
    tama na ang pagmamadali…
    oo masarap ngang mainvolve sa isang tao…
    pero diba mas masarap yun…

    LALO NA KUNG ALAM MONG TOTOO YUNG NARARAMDAMAN MO :)

  7. 6
    Aug

    Nakakamatay.

    Hanggang saan ang hangganan ng pagmamahal ng babae sa lalaki? 

    Ng lalaki sa babae? Ng lalaki sa kapwa lalaki? Ng babae sa kapwa babae? 

    Gaano katimbang ang pag-ibig kaysa sa pagnanasa? 

    Ang isang gabi ng mainit na pakikipagtalik sa pakikipagtalik na kasing dalas na makita ang minamahal? 

    Hanggang saan ang hangganan ng pag-ibig? 

    Hanggang kamatayan o hangga’t nabubuhay? 

    Kailan pwedeng isuko ang pag-ibig? 

    Kung ayaw na ng isa o kung ayaw na ng tadhana? 

    Mapag-angkin ang pagmamahal. 

    Humihingi ng atensyon, ngunit madamot sa atensyon ng iba. 

    Mapusok ang pag-ibig. 

    Ihahatid ka sa langit, at madalas sa impyerno. 

    Nakakasakal ang pag-ibig. 

    Pisikal mang nakakaputol ng hininga, o ang pagkulong at hindi pagkawala sa alaala at anino ng minamahal. 

    Nakakamatay ang pag-ibig. 

    Kung masyadong maputla, o kung sobrang pula na.

  8. 1
    12
    Jul
    Alam mo kung anong malabo? :’|

    Alam mo kung anong malabo? :’|

  9. 11
    Jul

    ATELOPHOBIA.

    Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan ito. Siguro sa simpleng kasabihan na lang na “Kapag swerte ka sa LOVELIFE, malas ka sa CAREER.” “Kapag malas ka sa CAREER, swerte ka sa LOVELIFE”.

    BAKIT GANUN? parang naiba yung landas ko. Pareho akong malas. :( Malas nga ba talaga tawag dun. Kanina naghahanap ako ng trabaho somewhere along tiendesitas. Yung unang kumpanyang pinasukan ko, initial interview palang hindi na agad ako nakapasa. Nakakalungkot pala talaga. Yung sel-confidence ko lumagpak sa lupa. Hindi ko pala talaga kayang dalhin yung mga ganung klase ng stress. Pangalawang kumpanyang pinasukan ko para mag-apply, ganun pa din. Napansin ko nalang na gumagapang na yung sarili ko pauwi sa sobrang lungkot. Is this the reality of the world? Nasanay kasi ako na puro fantasy at magical thinking ang pumapasok sa isip ko. PRINSESA ako eh!!! yan ang lagi kong bukambibig. Hindi ko aakalain na isang araw magiging isang beggar pala ako dito sa mundong ibabaw. Ang hirap maka cope-up sa ganitong sitwasyon. :( it takes a strong mind and heart to face those consequences.

    For now, isasantabi ko muna ang fantasy world ko. Susubukan ko munang harapin ang realidad ng mundo, at itataga ko sa bato na sa susunod na aapplyan kong trabaho magiging isang ganap na PRINSESA nanaman ako. :D

    Wala naman talaga sigurong salitang “MALAS” nasa tao yun kung papaano mo haharapin ang mga bagay bagay. At hindi malas ang tawag dun, ibig sabihin lang nun hindi talaga para sayo ‘yun. :)

    POSSITIVE ATTITUDE CHANGES EVERYTHING. :) Lahat naman nadadaan sa DASAL! kapit lang sa Diyos, alam kong hindi niya ako pababayaan. :’)

    —AIRA.

  10. 5
    Jul

    I’ve been there, Done that.

avatar_96
im aira, edpearl, ezra, peersia!
18 years of age, becoming 19 this june :)

im just a simple lady living in a simple comunity..
i am pretty much ambitious . :)
i love fantasy. it makes me feel sooo real :)
i am a hopeless romantic girl, sweet girl, pure heart.
when i say it, i mean it.
sometimes im mean, rude! hahahaha. sorry nalang kung matapatan ka ng mood ko na yun!
pero mabait ako. sa mga taong mababait sa'kin. :3

i Love Superman!
i wanna marry him and have kids. :) hahahaha.

i Love Europe!
i Love London.
i wanna go there soo badlyy!
i wanna see the World!!!
I LOVE GOD. because He knows my name, my every thought, He sees each tears that fall, and He hears me when i call :) <3

let's enjoy blogging beybe! :)
Page 1 of 21 Older

Following

See more stuff I like